Motorcycle Maintenance: Rainy Season Survival Guide

Photo by Artur Tumasjan on Unsplash
Joy

Season na naman na sobrang indecisive ang panahon sa Pinas. Half-sunny, half-ulan, tapos biglang buhos na lang!

As much as we'd love to just chill at home during this season, kailangan pa din lumabas for work or errands. And that means kailangan ilaban ang motor sa basaan.

Pero huwag mag-alala, mga lods! May mga simple at praktikal na paraan para protektahan ang ating “two-wheeled best friends” laban sa hamon ng tag-ulan. Hindi lang para gumanda, kundi para magtagal din at maging ligtas tayo sa kalsada.

Pag-Uwi, Linis Agad! 🏍️✨

Photo by Pham Yen on Unsplash
Photo by Pham Yen on Unsplash

Alam nating pagod ka galing sa biyahe, pero trust us, worth it ang extra effort na 'to. Ang ulan kasi, hindi lang basta tubig. May halo 'yang mineral deposits, environmental contaminants, at minsan pa nga, asido! 'Yan ang dahilan kung bakit nagiiwan ng pangit na marka sa motor ang patak ng ulan. At sa pagtagal, pwedeng masira pa ang paint o clear coat!

Tip: Pagdating ng bahay, agad-agad punasan ang motor mo gamit ang microfiber towel (o malinis na normal na basahan). Mas maaga mong punasan, mas madali mong matanggal ang mga dumi bago pa kumapit.

Chain Cleaning Right after a Rainy Ride! ⛓️🧼🧽⛓️

Photo by Daniele Franchi on Unsplash
Photo by Daniele Franchi on Unsplash

Pinakaaffected ng putik ng kalsada ay ang ating mga kadena! Dahil sa tubig-ulan at putik, madaling kapitan ng dumi at kalawangin. Kaya dapat, linisin ang kadena pagkatapos magrides nang maulan.

Tip: Regular na linisin ang kadena gamit ang chain cleaner, at pagkatapos ay lagyan ng chain lubricant para maiwasan ang kalawang at mamuo ang dumi. Isipin mo, parang skin care routine ng motor mo 'yan!

Plastic for Your Phone: Old School, Still Cool! 📱🌧️

Photo by Ralph Katieb on Unsplash
Photo by Ralph Katieb on Unsplash

Sa panahon ngayon, phone ang guide natin sa daan. Pero paano kung hindi waterproof ang phone mo at inabutan ka ng biglaang buhos? Simple lang! Ang lumang problema, may bagong solusyon rin. Kung wala kang waterproof phone case, ang simpleng plastic ng yelo (yung malinis, siyempre!) ay mabisang pantakip sa phone mo bago mo ilagay sa phone stand. Mura na, effective pa!

Kapote: A Must- Have! 🧥🏍️🌧️⚡

Photo by Zawaph Yem pee on Unsplash
Photo by Zawaph Yem pee on Unsplash

Okay, this is a no-brainer. Walang may gustong ma-"basang sisiw" sa daan, 'di ba? Kaya magdala lagi ng kapote! Recommendation: Mag-invest sa makapal at matibay na kapote gaya ng Fibrella raincoat. Medyo pricey, pero hindi 'yan disposable. May other brands din sa Shopee at Lazada which is a lot better kaysa walang kapote at all!

Ride Slowly: Iwas Aquaplaning, Iwas Disgrasya! 🌊🏍️💥

Photo by Duy Nod on Unsplash
Photo by Duy Nod on Unsplash

Alam naming excited ka na makarating sa pupuntahan, pero pag malakas ang ulan, Mabagal lang, mga boss! Dahil mataas ang chance na mag-aquaplaning, o mawalan ng kapit ang gulong sa lupa. Pag nangyari 'yan, goodbye control, goodbye motor, hello disgrasya!

Tandaan: Kahit may ABS ka pa, hindi ka nito maliligtas kung mabilis ka at nag-aquaplane ka nang sabay. Safety first!

Stop at Proper Establishments: For Safety at Iwas NCAP! ⛽🧥

Photo by Levon Vardanyan on Unsplash
Photo by Levon Vardanyan on Unsplash

Ito ang mainit na isyu ngayon: ang daming riders na tumitigil sa ilalim ng tulay para tumambay habang nagpapatila ng ulan. BAWAL na BAWAL 'yan, mga boss! Bukod sa delikado at takaw aksidente, huhulihin ka pa ng enforcers at NCAP. Additional gastos plus violation pa yan.

Tip: Kung inabutan ka ng ulan, huminto sa mga gasolinahan o establishments kung saan safe tumigil at magsuot ng kapote. This is for your own and others’ safety.


Di biro ang tag-ulan sa ating mga riders, pero sa tamang paghahanda at maintenance, less worry tayo! Stay safe always, mga ka-Kamote!

What surprised you the most? Let us know on our Facebook page!